Si Manong Boy
Rodolfo Parungao 52 taong gulang may walong (8) anak at tatlo dito ang nag-aaral pa. Manong Boy kung siya ay tawagin. Sa pamamagitan ng pag titinda ng fish ball kikiam at ice crumble na pagtapos niya ang kanyang mga anak. Kung minsan sa mga panahong mahina ang benta suma-sideline siya sa pag tatanim at pangingisda. Ang mga isda at hipon na kanyang mahuhuli ay ibebenta o ilalako naman ng kanyang mga anak, para makadagdag na rin sa kanilang pambaon sa iskwela. Para sa kanya lahat ng hirap ay kaya niyang lagpasan basta ito ay para sa kanyang pamilya. Tunay na kahanga hangang haligi ng tahanan, isang responsible at mapag mahal na ama’t asawa.
No comments:
Post a Comment