BATANG KALABAW
Documentary by JAY TARUC
( courtesy of
Youtube.com)
BATANG KALABAW ito ay isa sa pinakakadurog pusong dokumentaryo ni JAY TARUC
(reporter of GMA 7) Ang dokumentaryong ito ay tungkol sa mga bata sa Agusan del Sur na murang edad ay kinakailangan ng mag banat ng buto upang makaraos sa buhay. Ilan lamang sa mga batang ito ang nag-aaral. Mahirap at mapanganib ang kanilang ginagawa sa araw-araw . Kinakailangan nilang mag lakbay nang may apat na oras upang sunduin at sunungin ang mga pinutol na punong kahoy na halos mas higit pa sa kanilang timbang at ibaba ito sa kapatagan kapalit lamang ng ilang pirasong barya. Habang pinapanood ko ang dokumentaryong ito nakaramdam ako ng awa. Awa para sa mga bata dahil sa hirap ng buhay napipilitan silang magbanat ng buto upang may makain. Narealized ko kunggaano ako ka swerte sa buhay na mayroon ako ngayon. Ung tipong hindi ko kinakailangan magtrabaho ng ganon kahirap upang mabili at matugunan ang aking mga pangangailangan. Sana dumating ang panahon na ang mga batang ito ay makaahon sa lugar kung saan sila ngayon naroroon. Sa ang bagay na ito, ay nawa magsilbing daan upang mapahalagahan natin ang mga bagay na meron tayo at matututong magpasalamat at makontento sa mga bagay na pingkaloob sa atin ng Dakilang Lumikha.
No comments:
Post a Comment