Lakad ko tinda ko
Helen Villiasiran ang masipag na mabahay. Araw-araw sunong ni ate Helen ang kanyang batya na naglalaman ng ibat ibang paninda, gaya ng gulay isda at gatas ng kalabaw. Nilalakad niya ang may kulang kulang apat (4) na kilometro para maglako. Simula pa noong nasa elementarya pa lang ako nakikita ko na siyang naglalako ng ganito. Naging suki na nga niya ang nanay ko. Nang akin siyang makapanayam ayon sa kanya nasa labing walong taon (18) na raw niya itong ginagawa. Ito na ang naging pangunahing hanap buhay niya. Hindi na ako nakapag tanong pa ng iba pagkat itong si ate Helen ay nag aapura na. kinakailangan niya kasing magmadali ng sagayon siya ay makarami., at para na rin hindi abutan ng mainit na sikat ng araw. Gaya rin ng iba ginagawa niya ang bagay na ito para sa kanyang pamilya, para may ipang tawid sa maghapon at para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
No comments:
Post a Comment