Tuesday, October 1, 2013

Single Parent



Single Parent
Ang nasa larawan na ito ay si Letecia Dimaran Manalus tatlongpo’t apat  (34) taong   gulang, may limang (5) anak , last april 04 2012 ng siya ay iwanan ng kanyang kabiyak sa buhay. Ayon sa kanya akala niya ng mga panahong iyon katapusan na rin ng kanyang buhay. Ngunit ng dahil sa kayang mga anak at pananalig sa Diyos  pinilit niyang magsumikap . Napilitang mangibang basa para maitaguyod  ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Tanging lakas ng loob at pananalig sa Diyos ang baon niya ng lisanin niya ang bansang  Pilipinas. Mahirap at talagang malaking sakripisyo. Ang sabi nga niya sa akin hindi raw niya akalain na kakayanin pala niyang gawin ang mga bagay na ginagawa niya ngayon. Nagkaroon siya ng lakas ng loob at tiwala sa sarili simula ng siya nalang mag isa ang naiwan upang itaguyod ang kanilang  mga anakSiya ngayon ay puno na ng pag asa sa buhay. Sana sa mga taong makakabasa nito magsilbi sana itong inspirasyon sa atin. Sana sa mga taong kagaya ng ate ko na nag iisa na lamang sa mundo, huwag sana kayong mawalan ng pag-asa sa buhay, ganon yata talaga kung minsan, iniisip natin na hindi natin kayang gawin, ngunit kung magkakaroon  lang tayo ng lakas ng loob at pananalig sa Diyos, wala tayong bagay na hindi kayang marating.

the hard working student


Jerald Bryan  Toletino  Gonzales one of the hard working student of General de Jesus College (San Isidro Nueva Ecija) taking up Bachelor of Science in Business  Administration major in Financial Management.
Siya ang taong may dalawang katauhan, istudiyante sa umaga empleyado sa hapon. Bagay na masasabi ko na talaga namang kay mahirap yatang pasabayin, sapagkat kapwa ito nanganga-ilangan ng lakas ng katawan at talas ng isip. Simula 1st year at hanggang ngyon na 4th year na siya ay ganito na ang naging ruta ng buhay niyaLahat na yata ng Fast Food Chain na suyod na niya. Siya ang taong madiskarte sa buhay. RAKETERO nga kung tawagin siya. Pano naman kasi lahat na yata ng pwedeng i-sideline nagawa na niya. Walking LOAding Station ang bansag ng ilan. Para lang makadagdag sa ipon para sa tution pati direct selling pinasok niya.
Siya ang taong malakas ang pananalig sa kasabihang “Stop when your DONE not when your TIRED”  Pag dating sa usapang pang akademika siya ay tiyak hindi magpapahuli, sa kabila kasi ng pagiging abala niya nakukuha pa rin niyang bigyan ng panahon ang kanyang pag-aaral dahilan upang mapabilang isa sa mga nangungunang istudiyante sa klase. Sa katunayan nga ilang beses na rin siyang nakakuha ng Dean’s Lister Award. Mahirap at talagang nakakapagod na gawain, ang pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho sa magkaparehong pagnahon. Pero sa kabila ng lahat ng ito patuloy pa rin siyang nagsusumikap para sa minimithing deploma.
Isa siya sa mga taong nagpapatunay na walang bagay na pwedeng humadlang sa isang pangarap, walang bagay na hindi kayang makamit basta ito ay usapin hingil sa pag-aaral. Nawa sa mga makakabasa nito  magsilbi sana itong inspirasyon sa atin.

Munting Pangarap



Munting Pangarap

Liza Ansero 34 taong gulang may amim (6) na anak, isang labandera. Tinutulungan  niya ang kanyang asawa sa pagtaguyod ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pamamasukan bilang kasambahay. Ayon sa kanya napilitan siyang  pasukin ang bagay ito ng hindi na sumasapat  ang  kita  ng kanyang asawa  dahil nag umpisa ng lumaki ang bilang ng kanilang pamilya. Mahirap at nakakapagod na trabaho. Kung minsan nga raw ay naiisipn na niyang mag hinto nalang dahil na rin sa pagod at sakit ng katawan na kanyang nararamdam . Ngunit sa tuwing na iisip niya na iyon ay para sa kanyang mga anak nag kakaroon siya ng lakas upang mag patuloy pa. Kung minsan  pag walang tanggap na labahin suma-sideline  rin siya sa pag titinda ng buro at embotido kung saan kumikita siya ng dalawang piso sa bawat pirasong maibebenta niya. Lahat ng bagay na ito ay kanyang ginagawa para sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Ayaw kasi niya itong matulad sa kanya na hindi man lang nakapagtapos ng elementarya.

Lakad ko tinda ko



Lakad ko tinda ko


         Helen Villiasiran ang masipag na mabahay. Araw-araw sunong ni ate Helen ang kanyang batya na naglalaman ng ibat ibang paninda, gaya ng gulay isda at gatas ng kalabaw. Nilalakad niya ang may kulang kulang apat (4) na kilometro para maglako. Simula pa noong nasa elementarya pa lang ako nakikita ko na siyang naglalako ng ganito. Naging suki na nga niya ang nanay ko. Nang akin siyang  makapanayam  ayon sa kanya nasa labing walong  taon  (18) na raw niya itong ginagawa. Ito na ang naging pangunahing hanap buhay niya. Hindi  na ako nakapag tanong pa ng iba pagkat itong si ate Helen ay nag aapura na. kinakailangan niya kasing magmadali ng sagayon siya ay makarami., at para na rin hindi abutan ng mainit na sikat ng araw. Gaya rin ng iba ginagawa niya ang bagay na ito para sa kanyang pamilya, para  may ipang tawid sa maghapon at para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

si manong boy




Si  Manong Boy

Rodolfo Parungao  52 taong gulang may walong (8) anak at tatlo dito ang nag-aaral pa. Manong  Boy kung siya ay tawagin. Sa pamamagitan ng pag titinda ng fish ball kikiam at ice crumble  na pagtapos niya ang kanyang mga anak. Kung minsan sa mga panahong mahina ang benta suma-sideline siya sa pag tatanim at pangingisda. Ang mga isda at hipon na kanyang mahuhuli ay ibebenta o ilalako naman ng kanyang mga anak, para makadagdag na rin sa kanilang pambaon sa iskwela. Para sa kanya lahat ng  hirap ay kaya niyang  lagpasan basta ito ay para sa kanyang pamilya. Tunay na kahanga hangang haligi ng tahanan, isang responsible at mapag mahal na ama’t asawa.